Diyos ninyo
THE FINAL question for us panelists to field in last week’s Talking Points over Infomax 8 was whether there was any chance remaining for the governor and the vice governor finding common ground whence an I’m-OK-you’re-OK relationship could spawn.
While hope springs eternal in the hearts of Among Resty Lumanlan, SVD and top business leader Rene Romero, it does not in mine. Thus, I rattled off a past Punto! editorial on Governor Panlilio having a problem with the vice governor, sangguniang panlalawigan, municipal mayors, barangay chairmen, media, Madame Lolita Hizon, etcetera, thereforing off: Governor Panlilio is the problem!
My skepticism has turned out to be well placed. It does look that a constancy at the capitol is a state of as-it-was-in-the-beginning-is-now-and-ever-shall-be.
Consider this following Zona Libre piece of July 19, 2007.
WALANG kasing palad ang mga Kapampangan. Pari ang kanilang inihalal na gubernador. Diyos ang kanilang nailuklok sa kapitolyo.
Milagro por milagro, tatapatan ni Panlilio si Kristo.
Kung ang inuming tubig sa kasalan sa Cana ay ginawang masamyong alak ni Kristo, ang buhangin namang buga ng Pinatubo ay ginawang ginto ni Panlilio.
Kung ang limang piraso ng tinapay at mga isda ay nagpabusog sa libu-libong tao matapos bendisyunin ni Kristo, ang isang araw na kitang apatnapu’t limang libong piso sa quarry ay naging isang milyong piso sa mapagpalang kamay ni Panlilio.
Wika sa wika, hindi mahuhuli si Panlilio kay Kristo.
“Mapalad ang mga dukha, dahil sa kanila ang kaharian ng langit,” wika ni Kristo.
“Ang karaingan ng mga dukha ay dadalhin ko sa kapitolyo,” ani naman ni Panlilio. At ang mga dukha ay nagsilikas at humayo sa pasinaya kay Panlilio noong ika-30 ng Hunyo upang pagsarhan lamang ng tarangkahan ng kapitolyo.
Samantalang nagpipiging nang buong rangya sa ikalawang palapag ng kapitolyo ang humahalimuyak at mapupulang sakong na alta sosyedad, ang mga putikang paa’t pawisang kawan ay bilad naman sa init ng araw.
Bagama’t sa kapitolyo’y nakarating din naman ang kanilang daing: sa kartolinang paskel ng kariton ni Among na isinabit sa dingding. At nagka-katuparan ang binitiwang pangako ng dakilang sugo.
Tunay na sa langit pa ang pagpapala sa mga maralita. Tunay na sa kapitolyo na ang pagpapasasa ng mga mariwasa. Ito ang salin sa ebanghelyo ni Panlilio ng Parabola ni Lazaro at ng Mayaman sa pangaral ni Kristo.
“Wala nang pagmamahal sa puso ng tao ang hihigit pa kaysa pag-aalay ng buhay para sa kanyang mga kaibigan,” pagtestigo kay Kristo ng ebanghelyong ayon kay Juan.
“Buhay ko man ay handa kong ialay sa pagtubos sa mga Kapampangan mula sa corruption, mula sa imoralidad, mula sa kahirapan,” patotoo naman ni Panlilio sa kanyang kahandaang maging sakripisyong kordero. (Kalabisan nang banggitin pa ditong suut-suot ni Panlilio ang makapal na pananggalang sa bala habang binibigkas niya ito.)
“Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo,” ani uli Kristo.
“Pagbutihin ninyo ang pagbatikos, ilalabas namin ang sa ganang amin, at ang katotohanan ay makikita ng mamamayan,” hamon ni Panlilio sa pamumula ng mga mamamahayag.
Si Kristo “ang daan, ang katotohanan at ang buhay.”
Bukambibig na ni Panlilio sa iba’t ibang pahayag ang mga katagang “ang katotohanan niyan…” na wari’y ang katotohanan ay siya mismong kanyang iwing kalikasan. At magkagayo’y nabahagdan na ng pagkadiyos ang kanyang pagkatao.
Tunay na sa mga gawi ngayon ni Panlilio, higit ang antas ng kanyang pagkatao maging sa Santo Papa mismo. Ang infallibility o hindi-pagkakamali ng Santo Papa ay nakatakda lamang sa mga dogma ng pananampalataya. Ang kay Panlilio’y walang anumang limitasyon.
Hindi maaaring magkamali si Panlilio kaya’t walang dahilan na siya’y humingi ng paumanhin, anuman ang sabihin ng lahat.
Hindi nagkamali si Panlilio sa pagsasabing “caretaker administration” ang pansamantalang pamamahala ni Yeng Guiao bilang gubernador dalawang linggo bago umupo si Panlilio at wala itong karapatan na ipatupad ang nakatakdang pagsubasta sa mga proyekto. Batas ng tao ang ikinakatwirang mandato ni Guiao. Batas ng Diyos ang pinanghahawakan ni Panlilio.
Hindi nagkamali si Panlilio sa pagpanig sa kanyang administrador sa sinasabi’t nakikitang pagkaarogante’t kabastusan nito sa local media. Makatwiran pa nga ito sapagkat mga bayaran at imoral lamang ang mga local media kaya’t wala silang anumang puwang sa kabanalan ng kapitolyo ni Panlilio.
Hindi nagkamali si Panlilio sa paghingi ng “blanket authority” sa Sangguniang Panlalawigan. Si Guiao at ang kanyang mga kagawad ang maling-mali sa pang-unawa sa kagustuhan ni Panlilio at nagsisilbing balakid sa kanyang ministeryong tubusin ang lahing Kapampangan mula sa kasalanan.
Hindi maaaring magkamali ang Diyos. Hindi maaaring magkamali si Panlilio. Ah, mga Kapampangan, ang pagpapala ng langit ay sumasainyo.
Tunay na kasumpa-sumpa kaming hindi naniniwala.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home